Angel Marie
Nakita kita noon.
Ang kintab ng iyong buhok na lampas sa balikat
Gusto kitang kausapin.
Nagkaroon lamang ako ng lakas ng loob
noong nadatnan kita na sumisindi
sa may kapehan sa baba ng opisina natin
lumapit ako at nakisindi kahit meron akong layter
sa utak ko, nais kong hingiin ang numero ng cell phone mo
gusto kitang iteks
o baka tawagan kung merong sobrang load
Naaalala ko pa ang gabing ito
Kada gabi na katabi kita
Kada hawak ko sa kamay mo
naibabalik sa puso ko ang nadama ko noong araw na yun
mahal kita
Advertisement